Bawat sinag at kutitap ng pulang ilaw-dagitab,Balaraw na tumitimo sa dibdib niyang nawawasakSa himig at lamyos ng maharot na musikaUnti-unting iindayog, malalaglagPapalayo sa maalindog nyang katawanAng nalalabing dignidad na pinaka-iingatanNakakasilaw ang kinang ng mga ilawNa naghahantad sa kanya sa kahihiyanKasing-kinang ng mga salaping papelNa isa-isa nyang pinupulot, mataposang bawat pagtatanghal.
Hanggang kailan siya iindak,Hanggang kailan siya iiyak?Hanggang kailan mahihigaSa tabi ng mga buwitre’t asong gala;hayok sa laman at handang sumila?
Dilim sa gitna ng liwanag. May luha,Sa bawat sulok ng parisukat na mundong kinasadlakan.Sadya nga bang sa bawat tao’y may musikang nakalaan.Na sa gitna ng pagluha, kailangan niyang isayaw
Ang indayog ng buhay?
Iba't ibang mukha ng prostitusyon ngunit isa lamang ang ugat... KAHIRAPAN.
Martes, Agosto 30, 2011
Indayog
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento