Iba't ibang mukha ng prostitusyon ngunit isa lamang ang ugat... KAHIRAPAN.

Martes, Agosto 30, 2011

Same shit different day

Nasa jeep pa lang ako papuntang quiapo ng maulinigan kong may sumisitsit, paglingon ko ay nakita ko si nanay coco sakay ng ford fierra ng presinto 3, sumisenyas na wag na daw akong tumuloy, umuwi na lamang daw ako. Punong puno ang nasabing ford fierra, mukhang nilimas lahat ng puta sa avenida, walang patawad ang mga tarantadong pulis, pati mga bugaw isinama sa huli, kawawa naman si nanay coco, sino kaya nagbabantay ngayon ng paninda niya? Pag-ilaw ng traffic light ay umabante na ang nasabing ford fierra patungong central kung nasaan ang presinto 3. Pumara na rin ako at bumaba sa evangelista, maingat na naglakad dahil sa pag-aalalang baka may makasipat na pulis sakin. Pesteng mayor lim yan kung magpasiklab hinuhuli lahat, parang di niya iniisip na kailangan naming maghanapbuhay para sa pamilya namin, nagmamalinis pa ang tarantadong mayor, parang hindi pumapatol sa puta. Nagpa-sikot sikot ako sa mga eskinita hanggang sa makarating ako sa platerias kung nasaan ang pwesto ni nanay coco at ng masiguro kong nakasarado yun ay maingat uli akong naglakad at sumakay ng jeep pauwi, mahirap na baka bumalik pa ang mga pesteng pulis mahuli pa ko.


Kinabukasan ay nalaman kong di pa rin pinakakawalan sila nanay coco kaya nagdesisyon akong wag na muna rumampa ng avenida, baka matyempuhan pa ko mahirap na, mas maganda ng nag-iingat, maige nga at makakapag-pahinga ako, Maaga pa nakakainip sa loob ng bahay, lumabas ako at nakiumpok sa barbekyuhan ni sitang at nakipag-kwentuhan. Nakakadalawang paa ng manok na ko ng dumaan ang grupo nila jona , mga house model sa Club Celica, "Uy marya nandito ka pala di ka ba rumampa? "Nagkakahulihan eh" sagot ko. "Sumama ka na lang sa amin kulang kami ng isa" "oo ba! sige sandali lang at magbibihis ako" sagot kong di na nagpa-tumpik tumpik pa, kesa naman ma-zero ako at least doon magsasayaw lang ako kikita  na ko.


Unang salang ay presentation muna, ipinapakilala ng dj ang pangalan ng grupong magsu-show para sa gabing yun, kasunod ay tinawag na isa-isa ang mga performers, nagpaikot ikot kami sa stage na akala mo eh nagpa-fashion show, parang ang disenteng tingnan. Sa presentation lang naman kami magkakasamang rumampa at magmodel, kasunod noon ay isa-isa ng nagperform ang anim na performers ng nasabing grupo, pang-apat ako. Bale tatlong tugtog sa bawat set, isang modern dance at dalawang sweet music, sa pangatlong tugtog ay isa isa mong huhubarin ang suot mo hanggang sa hubo't hubad ka ng nagsasayaw sa harap ng mga umiinom na costumer. Mabuti na to sa isip isip ko, di naman nila ko mahahawakan, konting sayaw lang eh mamaya may pera na ko.

"Raid ito walang tatakbo! sabay bukas lahat ng ilaw. Putangnang kamalas malasan ng ina namang buhay to, hanggang dito ba naman nagpapasiklab pa si mayor? Naramdaman ko na lang na may isang pulis na lumapit sakin at ibinalot sakin ang dala niyang jacket, makatao naman ang trato ng nasabing pulis at inakay akong palabas diretso sa sasakyan, ipinakuha na lamang sa isang waiter ang damit ko sa dressing room, "pasensya ka na miss trabaho lang" sabi ng pulis na kumuha sakin sa stage, eh ano pa nga ba ang magagawa ko kundi manahimik na lang... Hindi ko alam kung nahuli ba kaming lahat, hiwa-hiwalay kasi ng sasakyan, nagkita-kita na lang kami sa loob ng Camp Sikatuna. Bakit kaya dito kami dinala tanong ko sa isip ko, na nasagot naman nung sabihin ng kanilang commander na panahon daw ng kampanya laban sa prostitusyon.

Alas singko na ng umaga ng makalabas kami ng kampo, piniyansahan kami nung may-ari ng club at lahat naman ay may kaukulang papeles maliban sakin dahil extra lang naman ako nung gabing yun, extra na nga lang minalas pang matyempuhan ng raid, wala rin akong naiuwing pera.
Same shit on the different day... peste!!! 

Entry ko para sa patimpalak ni lio: http://thessddmantra.net/2011/08/24/happy-birthday-blog-anniversary/

1 komento:

  1. hahahha...

    same shit different day nga...

    si mayor lim ang sisihin :D

    TumugonBurahin