Iba't ibang mukha ng prostitusyon ngunit isa lamang ang ugat... KAHIRAPAN.

Martes, Agosto 30, 2011

Indayog

Bawat sinag at kutitap ng pulang ilaw-dagitab,
Balaraw na tumitimo sa dibdib niyang nawawasak
Sa himig at lamyos ng maharot na musika
Unti-unting iindayog, malalaglag
Papalayo sa maalindog nyang katawan
Ang nalalabing dignidad na pinaka-iingatan
Nakakasilaw ang kinang ng mga ilaw
Na naghahantad sa kanya sa kahihiyan
Kasing-kinang ng mga salaping papel
Na isa-isa nyang pinupulot, matapos
ang bawat pagtatanghal.

Hanggang kailan siya iindak,
Hanggang kailan siya iiyak?
Hanggang kailan mahihiga
Sa tabi ng mga buwitre’t asong gala;
hayok sa laman at handang sumila?

Dilim sa gitna ng liwanag. May luha,
Sa bawat sulok ng parisukat na mundong kinasadlakan.
Sadya nga bang sa bawat tao’y may musikang nakalaan.
Na sa gitna ng pagluha, kailangan niyang isayaw

Ang indayog ng buhay?


Same shit different day

Nasa jeep pa lang ako papuntang quiapo ng maulinigan kong may sumisitsit, paglingon ko ay nakita ko si nanay coco sakay ng ford fierra ng presinto 3, sumisenyas na wag na daw akong tumuloy, umuwi na lamang daw ako. Punong puno ang nasabing ford fierra, mukhang nilimas lahat ng puta sa avenida, walang patawad ang mga tarantadong pulis, pati mga bugaw isinama sa huli, kawawa naman si nanay coco, sino kaya nagbabantay ngayon ng paninda niya? Pag-ilaw ng traffic light ay umabante na ang nasabing ford fierra patungong central kung nasaan ang presinto 3. Pumara na rin ako at bumaba sa evangelista, maingat na naglakad dahil sa pag-aalalang baka may makasipat na pulis sakin. Pesteng mayor lim yan kung magpasiklab hinuhuli lahat, parang di niya iniisip na kailangan naming maghanapbuhay para sa pamilya namin, nagmamalinis pa ang tarantadong mayor, parang hindi pumapatol sa puta. Nagpa-sikot sikot ako sa mga eskinita hanggang sa makarating ako sa platerias kung nasaan ang pwesto ni nanay coco at ng masiguro kong nakasarado yun ay maingat uli akong naglakad at sumakay ng jeep pauwi, mahirap na baka bumalik pa ang mga pesteng pulis mahuli pa ko.


Kinabukasan ay nalaman kong di pa rin pinakakawalan sila nanay coco kaya nagdesisyon akong wag na muna rumampa ng avenida, baka matyempuhan pa ko mahirap na, mas maganda ng nag-iingat, maige nga at makakapag-pahinga ako, Maaga pa nakakainip sa loob ng bahay, lumabas ako at nakiumpok sa barbekyuhan ni sitang at nakipag-kwentuhan. Nakakadalawang paa ng manok na ko ng dumaan ang grupo nila jona , mga house model sa Club Celica, "Uy marya nandito ka pala di ka ba rumampa? "Nagkakahulihan eh" sagot ko. "Sumama ka na lang sa amin kulang kami ng isa" "oo ba! sige sandali lang at magbibihis ako" sagot kong di na nagpa-tumpik tumpik pa, kesa naman ma-zero ako at least doon magsasayaw lang ako kikita  na ko.


Unang salang ay presentation muna, ipinapakilala ng dj ang pangalan ng grupong magsu-show para sa gabing yun, kasunod ay tinawag na isa-isa ang mga performers, nagpaikot ikot kami sa stage na akala mo eh nagpa-fashion show, parang ang disenteng tingnan. Sa presentation lang naman kami magkakasamang rumampa at magmodel, kasunod noon ay isa-isa ng nagperform ang anim na performers ng nasabing grupo, pang-apat ako. Bale tatlong tugtog sa bawat set, isang modern dance at dalawang sweet music, sa pangatlong tugtog ay isa isa mong huhubarin ang suot mo hanggang sa hubo't hubad ka ng nagsasayaw sa harap ng mga umiinom na costumer. Mabuti na to sa isip isip ko, di naman nila ko mahahawakan, konting sayaw lang eh mamaya may pera na ko.

"Raid ito walang tatakbo! sabay bukas lahat ng ilaw. Putangnang kamalas malasan ng ina namang buhay to, hanggang dito ba naman nagpapasiklab pa si mayor? Naramdaman ko na lang na may isang pulis na lumapit sakin at ibinalot sakin ang dala niyang jacket, makatao naman ang trato ng nasabing pulis at inakay akong palabas diretso sa sasakyan, ipinakuha na lamang sa isang waiter ang damit ko sa dressing room, "pasensya ka na miss trabaho lang" sabi ng pulis na kumuha sakin sa stage, eh ano pa nga ba ang magagawa ko kundi manahimik na lang... Hindi ko alam kung nahuli ba kaming lahat, hiwa-hiwalay kasi ng sasakyan, nagkita-kita na lang kami sa loob ng Camp Sikatuna. Bakit kaya dito kami dinala tanong ko sa isip ko, na nasagot naman nung sabihin ng kanilang commander na panahon daw ng kampanya laban sa prostitusyon.

Alas singko na ng umaga ng makalabas kami ng kampo, piniyansahan kami nung may-ari ng club at lahat naman ay may kaukulang papeles maliban sakin dahil extra lang naman ako nung gabing yun, extra na nga lang minalas pang matyempuhan ng raid, wala rin akong naiuwing pera.
Same shit on the different day... peste!!! 

Entry ko para sa patimpalak ni lio: http://thessddmantra.net/2011/08/24/happy-birthday-blog-anniversary/

Lunes, Agosto 29, 2011

Monumento ng Puta

Naaliw ako ng malaman kong legal sa bansang netherland ang pagpuputa, hindi sila sakit ng ulo, bagkus ay nakakatulong pa sila sa gobyerno sapagkat nagbabayad sila ng tax. Ang mga puta sa bansang ito ay itinuturing na bayani kaya naman alaga sila ng bansang kanilang kinaroroonan, may mga batas silang sinusunod. May mga health services sa bawat siyudad. Meron silang sariling lugar, ito yung "RED LIGHT DISTRICT" na tinatawag. At bilang pagsunod sa batas at pag-bibigay galang sa  gobyerno ay sumusunod sila sa mga alituntunin na walang babaeng menor de edad na dapat payagang magtrabaho sa naturang lugar. "Independent Entrepreneur" ang trato ng gobyerno sa kanila, nagbabayad sila ng tax depende sa kanilang kinikita at performance. Naniniwala ang bansang ito na sa pamamagitan ng legal na pagpuputa ay maiiwasan ang mga krimen na tulad ng human trafficking. At kung ikaw ay isang lalaking naghahanap ng aliw at mapunta ka sa lugar na ito, kayo ng mapipili mong babae ay magkakaroon ng kontrata, depende ito sa  mga bagay na gusto mong gawin ninyo o gusto mong gawin niya sayo, kung ilang oras kayong mag-sisiping, magbabayad ka muna bago kayo pumasok sa isang kwarto at ikaw ay makakatanggap ng resibo. Ibang klase rin naman ano? At bilang pagbibigay ng respeto sa mga babaeng puta ay nagpatayo ang gobyerno ng monumento para sa nasabing "Independent Entrepreneurs"



Prostitution monument

.
The Prostitute Monument
A small woman bronze figure stands centrally located in the Red Light District, on a square before the Oude Kerk. It represents a prostitute at the door waiting for a customer. The monument has been erected here in 2007 by the Prostitution Information Center and is typical of their approach to the social phenomena of prostitution: it is a profession as any other work. Prostitution is good as long as women (or men) who work as prostitutes do it from their own will, and are not exploited. The sex workers should be respected and their rights protected.