Iba't ibang mukha ng prostitusyon ngunit isa lamang ang ugat... KAHIRAPAN.

Martes, Agosto 30, 2011

Indayog

Bawat sinag at kutitap ng pulang ilaw-dagitab,
Balaraw na tumitimo sa dibdib niyang nawawasak
Sa himig at lamyos ng maharot na musika
Unti-unting iindayog, malalaglag
Papalayo sa maalindog nyang katawan
Ang nalalabing dignidad na pinaka-iingatan
Nakakasilaw ang kinang ng mga ilaw
Na naghahantad sa kanya sa kahihiyan
Kasing-kinang ng mga salaping papel
Na isa-isa nyang pinupulot, matapos
ang bawat pagtatanghal.

Hanggang kailan siya iindak,
Hanggang kailan siya iiyak?
Hanggang kailan mahihiga
Sa tabi ng mga buwitre’t asong gala;
hayok sa laman at handang sumila?

Dilim sa gitna ng liwanag. May luha,
Sa bawat sulok ng parisukat na mundong kinasadlakan.
Sadya nga bang sa bawat tao’y may musikang nakalaan.
Na sa gitna ng pagluha, kailangan niyang isayaw

Ang indayog ng buhay?


Same shit different day

Nasa jeep pa lang ako papuntang quiapo ng maulinigan kong may sumisitsit, paglingon ko ay nakita ko si nanay coco sakay ng ford fierra ng presinto 3, sumisenyas na wag na daw akong tumuloy, umuwi na lamang daw ako. Punong puno ang nasabing ford fierra, mukhang nilimas lahat ng puta sa avenida, walang patawad ang mga tarantadong pulis, pati mga bugaw isinama sa huli, kawawa naman si nanay coco, sino kaya nagbabantay ngayon ng paninda niya? Pag-ilaw ng traffic light ay umabante na ang nasabing ford fierra patungong central kung nasaan ang presinto 3. Pumara na rin ako at bumaba sa evangelista, maingat na naglakad dahil sa pag-aalalang baka may makasipat na pulis sakin. Pesteng mayor lim yan kung magpasiklab hinuhuli lahat, parang di niya iniisip na kailangan naming maghanapbuhay para sa pamilya namin, nagmamalinis pa ang tarantadong mayor, parang hindi pumapatol sa puta. Nagpa-sikot sikot ako sa mga eskinita hanggang sa makarating ako sa platerias kung nasaan ang pwesto ni nanay coco at ng masiguro kong nakasarado yun ay maingat uli akong naglakad at sumakay ng jeep pauwi, mahirap na baka bumalik pa ang mga pesteng pulis mahuli pa ko.


Kinabukasan ay nalaman kong di pa rin pinakakawalan sila nanay coco kaya nagdesisyon akong wag na muna rumampa ng avenida, baka matyempuhan pa ko mahirap na, mas maganda ng nag-iingat, maige nga at makakapag-pahinga ako, Maaga pa nakakainip sa loob ng bahay, lumabas ako at nakiumpok sa barbekyuhan ni sitang at nakipag-kwentuhan. Nakakadalawang paa ng manok na ko ng dumaan ang grupo nila jona , mga house model sa Club Celica, "Uy marya nandito ka pala di ka ba rumampa? "Nagkakahulihan eh" sagot ko. "Sumama ka na lang sa amin kulang kami ng isa" "oo ba! sige sandali lang at magbibihis ako" sagot kong di na nagpa-tumpik tumpik pa, kesa naman ma-zero ako at least doon magsasayaw lang ako kikita  na ko.


Unang salang ay presentation muna, ipinapakilala ng dj ang pangalan ng grupong magsu-show para sa gabing yun, kasunod ay tinawag na isa-isa ang mga performers, nagpaikot ikot kami sa stage na akala mo eh nagpa-fashion show, parang ang disenteng tingnan. Sa presentation lang naman kami magkakasamang rumampa at magmodel, kasunod noon ay isa-isa ng nagperform ang anim na performers ng nasabing grupo, pang-apat ako. Bale tatlong tugtog sa bawat set, isang modern dance at dalawang sweet music, sa pangatlong tugtog ay isa isa mong huhubarin ang suot mo hanggang sa hubo't hubad ka ng nagsasayaw sa harap ng mga umiinom na costumer. Mabuti na to sa isip isip ko, di naman nila ko mahahawakan, konting sayaw lang eh mamaya may pera na ko.

"Raid ito walang tatakbo! sabay bukas lahat ng ilaw. Putangnang kamalas malasan ng ina namang buhay to, hanggang dito ba naman nagpapasiklab pa si mayor? Naramdaman ko na lang na may isang pulis na lumapit sakin at ibinalot sakin ang dala niyang jacket, makatao naman ang trato ng nasabing pulis at inakay akong palabas diretso sa sasakyan, ipinakuha na lamang sa isang waiter ang damit ko sa dressing room, "pasensya ka na miss trabaho lang" sabi ng pulis na kumuha sakin sa stage, eh ano pa nga ba ang magagawa ko kundi manahimik na lang... Hindi ko alam kung nahuli ba kaming lahat, hiwa-hiwalay kasi ng sasakyan, nagkita-kita na lang kami sa loob ng Camp Sikatuna. Bakit kaya dito kami dinala tanong ko sa isip ko, na nasagot naman nung sabihin ng kanilang commander na panahon daw ng kampanya laban sa prostitusyon.

Alas singko na ng umaga ng makalabas kami ng kampo, piniyansahan kami nung may-ari ng club at lahat naman ay may kaukulang papeles maliban sakin dahil extra lang naman ako nung gabing yun, extra na nga lang minalas pang matyempuhan ng raid, wala rin akong naiuwing pera.
Same shit on the different day... peste!!! 

Entry ko para sa patimpalak ni lio: http://thessddmantra.net/2011/08/24/happy-birthday-blog-anniversary/

Lunes, Agosto 29, 2011

Monumento ng Puta

Naaliw ako ng malaman kong legal sa bansang netherland ang pagpuputa, hindi sila sakit ng ulo, bagkus ay nakakatulong pa sila sa gobyerno sapagkat nagbabayad sila ng tax. Ang mga puta sa bansang ito ay itinuturing na bayani kaya naman alaga sila ng bansang kanilang kinaroroonan, may mga batas silang sinusunod. May mga health services sa bawat siyudad. Meron silang sariling lugar, ito yung "RED LIGHT DISTRICT" na tinatawag. At bilang pagsunod sa batas at pag-bibigay galang sa  gobyerno ay sumusunod sila sa mga alituntunin na walang babaeng menor de edad na dapat payagang magtrabaho sa naturang lugar. "Independent Entrepreneur" ang trato ng gobyerno sa kanila, nagbabayad sila ng tax depende sa kanilang kinikita at performance. Naniniwala ang bansang ito na sa pamamagitan ng legal na pagpuputa ay maiiwasan ang mga krimen na tulad ng human trafficking. At kung ikaw ay isang lalaking naghahanap ng aliw at mapunta ka sa lugar na ito, kayo ng mapipili mong babae ay magkakaroon ng kontrata, depende ito sa  mga bagay na gusto mong gawin ninyo o gusto mong gawin niya sayo, kung ilang oras kayong mag-sisiping, magbabayad ka muna bago kayo pumasok sa isang kwarto at ikaw ay makakatanggap ng resibo. Ibang klase rin naman ano? At bilang pagbibigay ng respeto sa mga babaeng puta ay nagpatayo ang gobyerno ng monumento para sa nasabing "Independent Entrepreneurs"



Prostitution monument

.
The Prostitute Monument
A small woman bronze figure stands centrally located in the Red Light District, on a square before the Oude Kerk. It represents a prostitute at the door waiting for a customer. The monument has been erected here in 2007 by the Prostitution Information Center and is typical of their approach to the social phenomena of prostitution: it is a profession as any other work. Prostitution is good as long as women (or men) who work as prostitutes do it from their own will, and are not exploited. The sex workers should be respected and their rights protected.




Sabado, Hulyo 30, 2011

Sino ang mas masama?


Masama nga ba ang babaeng nagputa
o mas dapat pa ngang purihin siya
sa sakripisyo't katawang ibinenta 
para may makain ang pamilya 

sariling katawa'y isinakripisyo 
ibinenta sa mga parukyano 
na kaymura tulad ng karneng por kilo 
upang mabuhay lamang sa mundo 

kayhirap mabuhay sa sistemang bulok 
parang mundo'y pasan sadyang dumadagok 
di na makaraos kaya laging lugmok 
nagpuputa para sa mga dayukdok 

kailangang kumilos, magpakaputa 
ibibenta pati puso't kaluluwa 
basta't kumita lamang ng konting barya 
mairaos lang ang hirap at dusa 

naisip niya'y wala ng magbabago 
dahil ang buhay daw ay sadyang ganito 
puso niya'y tumigas na parang bato 
dahil sa kahirapang sagad hanggang buto 

paano ka ba tutulong sa puta 
upang sa araw araw ay makaraos siya 
bibili ka ba ng por kilong tinda 
at tatanggapin ito ng pikit mata 

titigan mo ang puta at kilalanin 
ginagawa niya ba'y kaya niyang lunukin 
di ba dapat lang na siyay tulungan natin 
upang pagbabago ay kanyang hangarin 

mas bayani pa nga siya kaysa mga pari 
mas marangal kaysa sa mga hari 
na isinakripisyo'y sariling puri 
mabuhay lamang pamilyang kinakandili

Linggo, Hulyo 24, 2011

Ang Mananayaw

Mahaba ang pila ng mga balde sa poso, ganyan araw araw ang eksena sa sta.elena,binondo. Lalo na sa tuwing sasapit ang dapithapon, abala ang mga tao sa pagsasalok ng tubig. Mukhang kagigising mo lang ah papasok ka ba? tanong ni ed. Oo kailangan ko umalis ng maaga eh zero ako kagabi, gusto  kong bumawi ngayon sagot ko sa kanya. Sige sumabay ka na sa amin nila jun at bong ililibre ka na lang namin ng pamasahe kawawa ka naman. Kunin mo na yang isang timbang tubig ko para makaligo ka na at dadaanan ka na lang namin mamayang 6pm dapat ready ka na ha. Natuwa naman ako at nagpasalamat kay ed sa isang timbang tubig, kundi sa kanya baka nakapila pa ko hanggang ngayon. Magkakaibigan kami nila ed mula pa pagkabata. parehong nangangarap na makaahon sa hirap pero minalas na pagkaitan ng pagkakataong makatapos ng pag-aaral. Isang lugar lang ang pinagtatrabahuan namin, dancer ako sa isang club sa ermita at si ed naman ay macho dancer, kasama niya sa trabaho si bong at lito na mga receptionist naman sa isang gaybar sa kahabaan din ng ermita.


5:30 na kailangan ko ng magbihis, mayamaya lang ay nandyan na sila ed at eksakto ngang pagkabihis ko ay narinig ko na ang boses ni bong na pinakamaingay sa kanilang tatlo "hoy wendy tara na!" lumabas agad ako, nakakahiya namang paghintayin ko sila eh ililibre na nga ako sa pamasahe. Naka-short lang ako at nakasinelas, nagbabaon na lang ako ng damit at sapatos at doon na lamang sa club nagbibihis, sagwa namang sasakay ka ng jeep na naka-heels at seksing damit, halatang sa club nagtatrabaho. Bihira kong makasabay sila ed sa pagpasok, mahigpit kasi sa club na pinapasukan ko at kung gusto mong malibre ng hapunan, dapat bago ang 7pm ay naka-in ka na, isang paraan ng management para maagang pumasok ang mga babae. Kumpara sa gaybar na pinapasukan nila ed, jun at bong na hindi ganon kahigpit ang oras. Big night nila ngayon kaya maaga silang pumasok para sa rehearsal ng presentation ng show nila para mamaya.


"Hoy sakay na! absent minded ka na naman sabog ka ba?"  "Siraulo!" pagulat kong sagot sa sigaw ni bong, sabay sakay sa likurang upuan ng taxi. Sosyal ang mga bruho, may budget na pang-taxi, nahinuha ko na lang sa usapan at tawanan nung tatlo na may foreigner pala na nag-ipit ng 100$ sa brief ni ed kagabi habang nagsasayaw siya, kaya pala paldo... May itsura si ed at magaling sumayaw, nagamit niya ang mga yun bilang puhunan at pagkitaan. Anim silang magkakapatid at ulila na sa ama, nagtitinda lang ng saging sa ilaya ang nanay niya. Ang panganay niyang kapatid na babae ay nag-asawa na kaya siya na lang ang pag-asa ng nanay niya para maging katuwang sa pagpapaaral sa mga kapatid niya. "Kalaw na wendy baka lumampas ka sa bababaan mo, itigil mo kasi yang pagda-drugs para di ka laging absent minded hahaha!" "gago kang kamote ka hindi ako nagda-drugs no!"sagot ko kay bong na ikinatawa ni ed at jun dahil totoo namang mukhang kamote ang mga binti niya kaya nga di makapasa sa audition bilang macho dancer at nakuntento na lamang sa pagiging receptionist. Padre faura na pala... "para po sa tabi mama" "hoy tatlong bugok salamat sa pamasahe ha, ingat kayo" bumaba na ako at naglakad na lamang papuntang grand cafe, isang club na pag-aari noon ng matandang trinidad.


Hindi ko gusto ang trabahong ito, napipilitan na lamang ako sapagkat ito lang ang pinakamadaling pagkakitaan na hindi ka namemerwisyo ng kapwa mo. Disente sanang tingnan ang maging sales lady sa mga department store pero bukod sa maliit ang sweldo ay kinsenas at katapusan pa ang hihintayin mo bago ka sumweldo. Hindi ko isinisisi ang kahirapan namin sa gobyerno at sa kung sino mang maging presidente. Sana lang ay mabago ang sistema para sa mga darating na henerasyon upang sa darating na panahon ay wala ng tulad namin ni ed na kailangan pang gumiling sa ibabaw ng entablado para lang may ipantawid gutom.


Istorya ito ng buhay ni Wendy Macapagal na ngayon ay 42 yrs old na, sa club pa rin nagtatrabaho pero hindi na bilang mananayaw kundi isang  floor manager na.

KAMASUTRA NI MARYA

MARAMI SA MGA KALALAKIHAN ANG NAGHAHANAP NG THRILL PAGDATING SA SEX, ITO NA ANG PAGKAKATAON NYO GIRLS, KUNG PRANING KA AT PRANING DIN ANG PARTNER MO TRY NYO TO HEHEHE..


  Medyo magastos nga lang to sambutin nyo kung kaya nyo



                yummy to pag palusong ang daan




                   favorite ng mga berdugo sa sex




                  nakupo delikado itlog dito hahaha!




      kaya siguro lumutang hinipan na parang lobo hehehe...




              matinding konsentrasyon to, yoga nga eh




                mukhang masarap to patalbog talbog




                        swimming ng kaligayahan




                           mangisay ka sa sarap




                   favorite style ng mga cancerian




check nyo tenga ng babae, kung mahaba mahilig dito hehehe...




                  favorite ng mga mahihilig sa lego

Lunes, Hulyo 18, 2011

MAY ISANG PUTA

Author-anonymous
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda
at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa
at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao,
bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase
di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa,
ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari,
hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang
Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa!
Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.
Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko.
'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin.
Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.
Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag.
Ang daming

nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko,
napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay
sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang,
kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat
maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga
anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman
silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang
dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa
punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon
sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin.
Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga
ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang
ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal
ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa.
Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng
letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder?
Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak.
Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang
pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.
Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din.
Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.
Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman
para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin.
May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't
isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag
na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin,
ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko.
Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.
Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh.
Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala.

Linggo, Hulyo 17, 2011

PERA

MAGANDA NAMAN AKO AH.... sa dilim


Isang gabi may tumawag na arabo, nakipagdeal sakin.
presyo ko agad 500 riyals, nakipagtawaran, bumaba sa 300 riyals
tapat na yun, tapat na talaga...


"You'r not madam" sarkastikong sabi ng gago
"If you can't afford me then i am not interested to meet you"
"It's to much fulus* i could take a woman same price"
"But i am beautiful" pahayag ko.
"But you'r not madam"
"Then get out of my line!" sigaw ko sabay bagsak ng telepono


Pagkaraan ng ilang sandali tumawag uli ang arabo.
Sa wakas napatunayan ko ang aking kagandahan.


*PERA* 

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Matumal

Bakit ba kasi nagbabago pa ang klima? Hindi lang mga tao ang nag-aadjust lalo na pag ganitong tag-ulan, pati negosyo ko matumal. May mangilan ngilang kostumer pero di ko type, mukhang mababaho eeeeww! Aba natural kailangan ko maging choosy, importante yun sa business ko para hindi ako magkasakit. Kahit na putatsing ako kailangan ko pangalagaan ang katawan ko, mahirap na magka-aids. Hoy for you'r info kumpleto ako sa monthly check up at papsmear dun sa san lazaro hospital. Maingat ako sa sarili ko at hindi ako strike anywhere kaya naman yung ibang mga kostumer ko binabalikan ako at hindi talaga kukuha ng iba kapag wala ako. Nakakainip lang pag ganitong tag-ulan madalang ang dating ng kostumer, ang kagandahan lang pag ganito ang panahon ay walang huli, namamaluktot din siguro ang mga pulis sa presinto dahil sa ginaw. Pagkakataon na sanang makarami, peste kasing ulan to ayaw pa tumigil mag-aalauna na ng madaling araw. Kailangan kong kumita ngayon para naman may pampatak ako bukas sa birthday ng bespren ko, kaya bukas day off ko hindi ako rarampa.


"Hoy pokpok wag ka matulog masisira poise mo, malapit na closing time ng dakota baka makatyempo ka ng kostumer na bitin" sabi ni nanay coco, may pwesto ng kape at sigarilyo sa recto na tinatambayan ko, part time bugaw na rin pandagdag daw ng kita. Choosy din tong si nanay coco, hindi yan nagpapatambay sa pwesto niya kapag di niya kursunada ang hilatsa ng pagmumukha. Ako daw di halatang pokpok kasi disente daw ako pumorma. madalas pag may nagtatanong sinasabi niya pamangkin niya ako na nauuwi sa bandang huli sa pagbubugaw. May pagkasuplada man pero hindi gahaman sa komisyon si nanay coco kaya hindi ako nag-aalala pag siya bugaw ko hinahatid at hinihintay niya ako sa labas ng motel.

Maya maya lang ay tumila na ang ulan, naglalabasan na rin ang mga lasing galing sa iba't ibang beerhouse sa paligid ng recto maiingay, may nagtatawanan, may sumusuray at may mga nagtatalo dala ng kalasingan. May dalawang lalaki nakatayo sa banda roon na parang nag-aabang ng jeep pero panay ang bulungan at lingon sa akin, nagbilang ng pera yung isa at mayamaya pa'y nag-apir na silang dalawa. Lumapit yung isa at bumili ng sigarilyo, nakita ko bumulong kay nanay, nagsasalita si nanay na hindi nakatingin sa lalaki, kunwa'y may ginagawa habang nakikipagnegosasyon, Pagkaraan ng sampung minuto kinalabit na ko ni nanay coco at sinenyasang sumunod sa kanya habang nasa likuran ko naman yung dalawang lalaki na alam kong pinagmamasdan ako habang naglalakad kami. Pagdating namin sa hotel ay hindi naman pala yung kausap ni nanay ang makakasama ko kundi yung kasama niya na mahiyain daw. Pero pagdating namin sa kwarto ay wala naman pala balak gumamit ang lalaki, ok lang daw, wag na lang daw ako maingay sa kasama niya na walang nangyari sa amin. Ibang klase to, di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto, hindi siguro ako type o baka naman takot sa STD. gusto ko isampal sa kanya ang pink card ko na katunayang malinis ako at alaga sa check up pero hindi ko yun dinadala sa oras ng trabaho, mahirap na baka mawala. Pakelam ko ba hmp! buti nga yun hindi ako nagasgas. Konting kwentuhan at pagkatapos ay lumabas na kami, "bilis mo namang labasan" bati ni nanay coco, hindi na lang ako kumibo at naglakad na pabalik sa pwesto.

Ganyan ang buhay ko bilang tindera ng aliw, hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatagpo ka ng kostumer na gahaman sa laman. Kapag binubwenas ka ay kikita ka ng hindi mapeperwisyo. "Hoy tara na na! ano pa iniisip mo jan, bakit bitin ka ba?" Si nanay talaga parang timang. Sabay na kaming umuwi, siya sa velasquez at ako naman ay sa bangkusay.

Lunes, Hulyo 4, 2011

CYBER SEX

Ang pakikipag-chat ko sa mga foreigner at sa mga pinoy na nasa ibayong dagat ay isang disenteng paraan ng pagpuputa. Wala akong amo, walang bugaw, walang komisyon na ikakaltas sa bawat kikitain ko. Hindi ko na rin kailangan mamasahe pa dahil nasa loob lang ako ng kwarto ko. Bukod sa matipid sa sabon at damit dahil hindi ko na kailangan pang magsuot ng magagandang damit ay laking katipiran din sa pabango at cosmetics. Mas walang damit mas malaki ang kita, di rin maaamoy ng ka-chat ko kung nagtoothbrush o naligo ba ako, ang importante lang naman sa kanila ay bumukaka ako sa harap ng webcam, samahan ko na rin ng konting pambobola at maya-mayang konti ay may pera na ako, hindi ako napagod, bumukaka lang ako. Ang pagkakaiba lang ng pinoy sa foreigner ay mas madaling kausap ang mga foreigner lalo na pag nagustuhan ako tiyak na alaga ako sa padala, bukod sa mga chocolate  at magagandang stuff toys ay close na rin kami ng mga empleyado ng western union dahil sa madalas kong pagpunta doon. Ang mga pinoy naman ay bolero, kunwaring makikipagkaibigan at kukunin ang loob ko, syosyotain ako at kung ano itatawag sakin, babes, hon, luv at kung ano ano pa, ang ending ay gusto lang naman makita ang pekpek ko habang nagsasalsal sila. Isa lang ang pinagkapareho ng pinoy at foreigner sa harap ng cam, pareho silang malilibog. Bagamat mas gusto kong ka-cyber chat ang mga foreigner dahil mas malaki ang kita ay wala naman ako maramdaman na libog sa kanila kumpara sa pinoy na kung minsan ay nag-eenjoy akong kachat dahil tagalog ang usapan, mas nagkakaintindihan kami, mas madalas din na hindi ako umaarte dahil may time na nalilibugan din ako kapag pinoy ang ka-cyber chat  ko, lalo na kapag type ko todong bukaka at inilalapit ko pa ang cam para makitang mabuti ang pekpek ko. Masarap, nakakatuwa din dahil may i love you pang kasama, yun nga lang maliit lang ang kita at kailangan mo pang gumawa ng istorya tulad ng mapuputulan ka ng kuryente o wala ka pambayad ng internet, parang feeling may relasyon ganon. Pero hindi ko hinahayaang mahulog ang loob ko dahil mabait lang naman sila habang nasa abroad pa, homesick kasi pero pag nakauwi na ng pinas hindi ka na maaalala. Ganon talaga eh at tanggap ko na yun, gamitan lang talaga sa mundong ito na maning mani lang naman sakin.

Biyernes, Hunyo 17, 2011

Psssst... goodtime pogi?

Platerias, Quiapo


Psssst... good time ka pogi?
Magkano naman?
Singkwenta lang isang putok, pero kung gusto mong dumoble pwede 100 lang. Pero bawal humalik, bawal humipo sa suso at panty lang ang pwede kong hubarin.
Ang lupit naman...
Eh kung gusto mo all the way down 500. Wag ka ngang kuripot wala pa kong bwena mano at saka di ka naman argabyado sakin eh masarap akong magblow job.
Sige na nga... kundi ka lang maganda eh... Saan ba magandang hotel dito? 
Hay salamat mukhang maganda bwena mano ko ngayon, gwapo na disente pa at mukhang tatanga tanga dito sa maynila. Dinala ko si pogi sa suki kong hotel, may komisyon akong 30 pesos kada oras sa bawat kostumer na madala ko, sayang din yun. Pumasok na kami sa kwarto at pumayag naman siya sa mga kundisyones ko, galante at hindi mahirap kausap o talagang kursunada lang ako. Nakatatlong round ang gago mukhang nasarapan at nakiusap pa na kung pwede daw ba kaming mag-overnight dahil wala na siyang masasakyan na bus pauwi sa nueva ecija. Babayaran na lamang daw niya ang buong gabi ko. Natuwa naman ako dahil sa isang lalaki lang ako mapapariwara sa gabing yun. Mabait si pogi at hindi mapagsamantala, sa bawat haplos niya sa katawan ko ay parang may kasamang pagmamahal, nararamdaman ko ang respeto. Huh! hindi kaya nagkakamali lang ako ng palagay? Sino naman kayang lalaki ang magbibigay ng respeto sa isang pokpok na tulad ko.
Labas tayo, ginutom ako sayo eh, hanap tayo ng makakainan.
Lumabas kami at kumain sa Ambos Mundos,isang sikat na restawran sa platerias. Masarap ang pagkain sa restawran na yun, sabaw pa lang ulam na. Marami kaming nakain at ang sarap niyang kasalo dahil kung kumilos siya ay para kaming mag-asawa. Nagbubulungan habang nakatingin sa amin ang mga waitress dahil alam ng mga empleyado sa restawaran na yun na ako'y batang platerias at nagbebenta ng aliw. Hmp! mamatay sila sa inggit wala akong pakialam sa kanila. Pagkakain ay naglakad lakad kami sa kahabaan ng avenida paikot ng carriedo. Ar dahil buwan na ng september ay marami ng mga magagandang paninda at mga kumukutitap na xmas light sa bawat pwesto. Napatingin ako sa isang magandang blusa, maganda, mukhang bagay sakin.
Gusto mo? bibilhin ko, pamasko ko na sayo.
Nakakahiya naman... pero kung mapilit ka sige... Binilhan niya na rin ako ng pantalong maong at sandals, napakabait niya.
Bumili rin kami ng sitsirya at de boteng inumin bago kami bumalik sa hotel at sa pagkakataong yun ay hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang sa kanya, pakiramdam ko ay may relasyon kami. Nasiyahan ako sa mga sumunod na pagtatalik namin at natulog kaming magkayakap. Kinaumagahan ay sinamahan ko siyang bumili ng materyales sa raon, kailangan daw yun para sa traktorang ginagamit nila sa bukid. Hinatid ko na rin siya sa baliwag transit, inabutan niya ako ng dalawang libong piso at hinagkan sa labi bago tuluyang sumakay ng bus. Nakaramdam ako ng lungkot, mamimiss ko si pogi...


Tuloy ang buhay bilang puta bagamat naaalala ko si pogi paminsan minsan, naikukumpara ko siya sa ibang mga kostumer na sa sobrang kahayukan eh akala mo mauubusan, ang bibilis namang labasan. Pero pabor sakin yun, wala pang trenta minutos eh nakadisplay na uli ako sa kahabaan ng platerias at nag-aabang ng susunod na kostumer. 


Mukhang paldo ang isang ito kaso nakakatakot, sa tono pa lang ng salita ay malalaman mong muslim, di ko pinansin pero ayaw akong tantanan, kursunada talaga ako, lumapit pa doon sa isang bugaw. Prinesyuhan namin ng malaki hindi tumawad. Sa mundo ng mga puta alam namin kung sino ang paldo sa tingin pa lang at pag makulit ang kostumer ninanakawan namin. Pag nagreklamo walang magtuturo sayo, nagkakaisa lahat ng mga puta at bugaw sa quiapo. Hanggat maaari iniiwasan namin ang mga muslim, bukod sa mababaho na ay malilikot pa ang kamay, hindi sumusunod sa pinag-usapan, matatagal labasan at nagwawala kapag nabitin, pilit na babawiin ang ibinayad sayo na hindi naman namin pinapayagang mangyari. May bago na namang kostumer... "paldo to medyo nakainom nga lang pagtyagaan mo na tutal madaling araw na, last na to tapos magpahinga ka na" sabi ng bugaw na mukhang nangangailangan din. "himayan mo" pahabol pa...
Himayan na ang ibig sabihin ay nakawan pero hindi mo kukunin lahat, magtitira ka para magreklamo man ay walang ebidensya. Iisipin ng mga pulis na kung ninakawan nga siya ay bakit may laman ang wallet niya, walang magagawa ang kostumer maglupasay man siya. 


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay buenas ka. may mga panahong malas, tulad ngayon nandito ako sa presinto, malay ko bang may tali pala yung wallet nung kostumer nabuking ako at hindi pinakawalan. Nakiusap ako pero di ako pinakinggan, dati na palang nabiktima yun at minalas lang ako na sakin siya makakaganti. umaga na dinalhan ako ng pagkain ng bugaw ko at umalis na pero bumalik kinahapunan at may kasama... si pogi... Masayang masaya ako nung mga oras na yun pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama ko siya, piniyansahan niya ako at muli kaming nag-overnight. Pero kakaiba ang gabing yun, mas marami ang kwentuhan namin kesa sa pagtatalik. Ikakasal na daw siya, baka daw hindi na siya uli makapasyal ng quiapo pero inamin niya sakin na namimiss niya ako. Pinipigil ko ang luha ko, isa akong puta at hindi dapat makaramdam ng pagmamahal sa kostumer. Kinaumagahan ay umuwi ako sa amin at nagkulong sa kwarto, umiiyak at naaalala si pogi, ang kaisa isang kostumer na nagpahalaga sakin ikakasal na...


Kwento ito ng buhay ni Celia, isang puta sa kahabaan ng quiapo. At kung sakaling mapadpad ka sa lugar na ito, maaari bang iparamdam mo sa kanya ang pagpapahalaga bilang isang tao?

Huwebes, Mayo 19, 2011

Baguio rhapsody



Paborito kong lugar ang baguio, once a year nagpupunta ako dito at masama ang loob ko kapag pumalya ako ng pag-akyat dito. Everytime na pupunta ako dito dumidiretso agad ako sa baguio cathedral at nananalangin, panatag ang kalooban ko kapag nandito ako, pakiramdam ko kasi kaharap ko lang ang diyos. Napakatahimik at maaliwalas, napakasarap huminga. Pagkatapos kong manalangin dahan dahan akong maglalakad palabas, ninanamnam kong mabuti ang malamig na simoy ng hangin, hayyy... napakasarap sa pakiramdam. Kung mayaman lang ako at magkaron ng pagkakataon na magkaron ng bahay sa lugar na ito, nanaisin kong dito na tumanda at bawian ng buhay. Minsan akong nadukutan ng cellphone dito, ang iyak ko nun dahil naputol ang komunikasyon ko sa taong dahilan ng pagpunta ko doon, naputol ng hindi ko pa natatanggap ang sagot niya bilang impormasyon kung saan at anong oras kami magkikita, para akong binagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling yun. 


Mabuti na lang at hindi nawala ang wallet ko, wala na akong magawa kundi ituloy ang aking paglalakad patungo sa bahaging yun ng burnham park. Nang dumilim ay naglakad akong muli sa kahabaan ng session road at naghanap.ng murang kwartong matutuluyan. Habang nagpapahinga ay laking panghihinayang ko sa cellphone na nawala, kung nasabi lang sana niya agad ang kinaroroonan niya ay sa magandang kwarto sana ako nakahiga ngayon....